Uri ng pangungusap na walang paksa

 

Eksistensyal– may bagay na umiiral sa himig/tono ng pangungusap sa tulong ng katagang may o mayroon. Na kahit dalawa o tatlong mga salita ang ginamit may diwang ipinaaabot

Halimbawa: May tumatakbo, May dumating, Mayroong panauhin, Mayroong napapaayon

 

Sambitla– ito’y isa o dalawang pantig ng salita na nagpapaabot ng diwa/kaisipan. Kadalasan isang ekspresyon ang pahayag.

Halimbawa: Yehey! Yahoo! Wow! Walastik!

 

Penomenal– nagsasaad ng panahon na kahit ito lamang ang banggitin, may diwa nang ipinaaabot na sapat upang mabigyang kahulugan ang pahayag.

Halimbawa: Samakalawa. Bukas. Sa linggo. Mayamaya

 

Pagtawag- ang pagbanggit o kaya’y pagtawag sa pangalan ng isang tao ay may sapat na kahulugang ipinaaabot. Ang tinawagan ay agad lalapit dahil baka may iuutos ang tumawag.

Halimbawa: Maria!; Bunso!

 

Paghanga– ito’y parang ekspresyon na nagpapahayag ng paghanga

Halimbawa: Ang ganda nya! Ang talino mo! Galing!

 

Pautos– salitang pautos na kahit nag-iisa ay may ipinaaabot ay may ipinaaabot na diwa o mensahe kaya’t di pwedeng di sundin lalo na kung ang pagkakasabi ay medyo madiin.

Halimbawa: Kunin mo. Lakad na. Takbo. Sayaw.

 

Pormularyong Panlipunan- ito ang mga salitang sadyang itinakda sa sitwasyon: umaga, tanghali, gabi.

Halimbawa: Magandang umaga. Magandang gabi. Magandang tanghali. Paalam. Adyos.

 

Leave a comment